God of All Gods of the 9th Order of the 7th Heavens

I am Animasola Divine Wisdom Mother of Mystery  

Reyna Coronada Del Mundo

ANG MATANG NA KA LUTANG SA GITNA NG KANYANG KORONA. ANG PINAGSIMULAN NG LAHAT NG BAGAY. SIYA ANG ULILANG KALULUWA SA LABAS NG LITID NG MUNDO. DIOS NG MGA DIYOS SA PITONG LANGIT NG KANYANG KAHARIAN REYNA EMPIRATIS NG LAGIT AT LUPA. ANG PANGALAN NA KA TAGAGO SA TALINGHAGA, SIYA ANG SUSI KARUNUGAN, ESPIRITU SANTO REYNA NG TIMOG SILAGAN. INANG REYANNG FILIPINA SIYA ANG UNA AT ANG HULI…

Ave Maria Purisima

     Ang kasaysayan ng “Infinita Animasola Dios Del Mundo” kailanman ay hindi nasulat sa bibliya, at iyan ay itinago ng mga paring Emperio Romano. Ang katotohanan, sa Kanya nagsimula ang lahat ng bagay, tulad ng paglalang ng langit at lupa. Siya rin ang tinaguriang “Reyna Coronada Del Mundo”, “Reyna ng Langit at Lupa” (Ilaw), at “Reyna ng Perlas ng Silanganan. Na Siya ang pinakamataas na antas ng Espiritual na tinatawag na “Alpha at Omega”. Sa kanya rin ang Simula at ang Wakas. Ang Diyos Ina, Infinita Animasola ay isang babaeng makapangyarihan, na ang lahat ay mangyayari sa Kanyang kapasiyahan. Siya ang timbangan ng mabuti at masama ng sangkalupaan gayon din sa batas ng katauhan.


       Nilalang ng Diyos Ina, Infinita Animasola ang Diyos Ama,  Infinito Dios Del Mundo bilang pangalawang Antas ng makapangyarihang espiritual upang katulungin Niya sa lahat ng mga bagay. Isinabog ng Diyos Ina ang Kanyang kayamanan sa sangkatauhan at binigyan din Niya ng talino ang mga tao upang gamitin sa mabuting gawain at asal. Ang Diyos Ama ang  nagsabog ng biyaya sa sangkalupaan mula sa langit, at ang Diyos Ina ang nagpapalakad o nagpapainig sa sangkamunduhan. Ang Diyos infinita Animasola bilang isang Ina ay laging nakasalalay sa lahat ng kapasiyahan na kung minsan Siya ay mayaman at kung minsan ay mahirap. Sapagkat kung ang Diyos Ama ang magpapatakbo ng mundo, sa kanyang kapusukan, katapangan at kabaitan ay baka wala na at gunaw na ang mundo dahil sa mga kasalanan ng tao.

 Ang araw ay dumating ng lalangin ang Panginoong Hesukristo sa lupa sa pamamagitan ng espiritu. Ang kanyang tunay na kapanganakan ay naitago at nailihim. Si Hesukristo, sa edad na isang taon hanggang labing-dalawang taon ay isang espiritual. At ng dumating ang edad labing-tatlo hanggang tatlumpo at dalawang taon, ay isang taong materyal na dumanas ng buhay ng sangkatauhan. Ang buhay ni Hesukristo sa mga taon na ito ay hindi rin ipinahayag ng mga paring Emperio Romano sa bibliya. Nang Siya ay dumating sa edad na tatlumpo at tatlo, sinabi niya sa Diyos Ama na ayaw na niyang tanggapin ang misteryong nakaatang sa kanya. Nang Siya ay nahihirapan na, ang luha at pawis niya ay dugo ang lumalabas. Tinawag Niya ang Diyos Ina at sinabi na kung maaari ay huwag ng ipagpatuloy ang ministeryo. Ang sagot ng Diyos Ina ay “tanggapin mo  Anak, ito ay nauukol sa iyo”. Dito sinagip ni Hesukristo ang sala ng tao sa ibabaw ng lupa bilang isang kasalanang orihinal. At pagkatapos ng misteryo ay umakyat Siya sa langit bilang isang anak ng Espiritu Santo sa pangalang Panginoong Hesukristo at dito naganap ang SANTISIMA TRINIDAD:

DIOS INA-DIOS AMA-ANAK-DIOS ESPIRITU SANTO


Ang tatlong persona ay bumaba sa sangkalupaan upang makipag-ugnayan sa mga taong materyal. Hindi bumaba ang Diyos Ina sa lupa upang pakialamanan ang gawain ng taong materyal, kundi ang pagbaba niya sa lupa ay upang maipakilala sa tao kung sino Siya. Sa pamamagitan ng talaytayan lamang magaganap ang pagpapaliwanag sapagkat kung sa boses ng espiritual, ay hindi natin makakayanan bilang isang materyal, at pwede ring mabago ang takbo ng mundo. Kaya ang pagpapakilala ng Tatlong Persona ay magdadaan sa materyal na katauhan na mahirap dalahin at mahirap unawain.

       Panahon na upang ibandila namin at ipakilala ang pangalang INFINITA ANIMASOLA DIOS DEL MUNDO, ang SIMULA AT WAKAS, upang sa pagdating ng pagsusuri ay bibithayin ang”Ginto sa mga Ginto.

© 2024 COANJ Inc All Rights Reserve